top of page

PAANO SAGUTIN ANG "PAG-IISIPAN KO MUNA" OBJECTION

  • Writer: Ian Christian Cotara
    Ian Christian Cotara
  • Oct 13, 2017
  • 3 min read

Noong nagsisimula pa lang ako, itong objection na ‘to ang madalas kong natatanggap mula sa mga nakakausap kong prospects. Sa totoo lang, nakakapagod ang objection na ‘to kapag hindi mo sya nahandle ng tama. Pwede kasing masayang lang ang time and effort mo kakafollow-up sa prospect na nagsabi sayo ng objection na yan. In this profession mahalaga ang time. The more na marami kang time na binubuhos sa isang prospect na hindi interesado the more na nagsasayang ka ng effort sa mga walang kabuluhang bagay.


So, as early as possible kailangan malaman mo kung pag-iisipan ba talaga ni prospect ang pagsali sa business mo o kaya naman ay nagpapalusot lang sya. Kailangan malaman mo kaagad kung ano yung pag-iisipan nya dahil baka meron lang syang hindi naintindihan sa opportunity presentation nyo na baka pwede mo masagot kaagad.


Bilang pasasalamat ko sayo bibigyan kita ng scripts na pwede mong magamit dahil alam kong nakaka-encounter ka din ng ganitong objection kaya narito ka ngayon at nagbabasa ng blog post ko na ‘to. Gagamitin mo ang scripts na ‘to para malaman mo kaagad kung talaga bang pag-iisipan ni prospect ang pagsali sa opportunity mo o kung nagpapalusot lang sya.


Answer #1:

After mo ma-qualifi si prospect, ito yung pwede mo isagot sa kanya (Note: Sa mga oras na ‘to dapat alam mo na yung Reason why ni prospect bakit kailangan nyang ang opportunity mo…

Ikaw: Ok. (Prospect Name) , let’s be honest with each other. Kaya ka nadito ngayon at kaya tayo nag-uusap ay dahil may mga goals na na gusto maachieve sa buhay at may mga problema ka na gusto mo masolusyunan.

Sabi mo (their reason why), Ngayon pinakita ko sayo yung solusyon, tatanungin kita…Ano pa yung kailangan mong pag-isipan?

Ikaw: Ok. (Prospect Name) , let’s be honest with each other. Kaya ka nadito ngayon at kaya tayo nag-uusap ay dahil may gusto kang mabago sa buhay mo.

Sabi mo (their reason why), Ngayon pinakita ko sayo yung solusyon, tatanungin kita…Ano pa yung kailangan mong pag-isipan?


Answer #2:

Itong susunod na script ay pwede mong isagot sa mga prospect na sa tingin mo ay nagpapalusot lang o dun sa mga hindi qualified na prospects.

Prospect: Pag-iisipan ko muna.

Ikaw: Alam mo tama ka, pag-isipan mo munang maigi dahil ayaw ko din mag-invest ng time na turuan ka tapos hindi ka naman pala ganun kadesidido na gawin ‘tong business. Eto yung contact number ko. Bibigyan kita ng ______(1/2 weeks) para makapag-isip ka ng mabuti. Kapag hindi mo ako kinontak within _____, we’ll consider na hindi talaga para sayo ang opportunity na ‘to.


Answer #3:

Posible din naman na baka may hindi lang naintindihan si prospect sa presentation nyo. Kapag ganito ang senaryo ito yung pwede mong sabihin…

Prospect: Pag-iisipan ko muna

Ikaw: Meron ka bang hindi naintindihan dun sa business presentation?

Prospect: Wala naman. Ok naman.

Ikaw: Pwede mo bang sabihin kong ano yung kailangan mong pag-isipan?

Prospect: Yung tungkol sa _____

(Help your prospect to understand all the information about your opportunity. Kadalasan kasi sa mga ganitong objection ay nagkakaroon lang ng confusion si prospect o kaya naman ay naghahanap lang sya ng additional information about your opportunity para tuluyan na syang makapag-desisyon.)

Kung walang maisagot si prospect, ito yung pwede mong sabihin sa kanya…

Ikaw: (Prospect Name), I will ask you a direct question, please be honest with me. Ok lang ba?

Prospect: Ok.

Ikaw: Pwede mo ba sabihin sakin kung pag-iisipan mo ba talaga yung pagsali? Kadalasan kasi ng mga tao na nakakausap ko ay sobrang mabait lang at ayaw nila makadisappoint ng tao. I want you to know na you tell me honestly

Prospect: Pag-iisipan ko talaga.

Ikaw: Ok I will give you a week para pag-isipan ang oportunity na ‘to.Kung talagang sa tingin mo ay makakatulong ang opportunity na ‘to para magkaroon ka ng extra income at makatulong sayo at sa pamilya mo, I will be happy to help and guide you

O kaya ganito…Walang problema. Dito sa business na ‘to hindi namin kailingan mamilit dahil alam naming napakaraming Pinoy ang nangangailangan ng ganitong klase ng opportunity. Nandito lang kami para ipakita ang magandang opportunity na ‘to. Kelan kita pwede kontakin next week?


Ayan! May script ka nang pwede magamit kapag may prospect na nagbato sayo ng ganyang objection

Take note na ang goal mo ay maibigay kay prospect ang lahat ng information para makagawa sya ng tamang desisyon kung para ba talaga sa kanya ang opportunity na ‘to o hindi. OUR MAIN JOB IS TO EDUCATE AND TO INFORM!



 
 
 

Comments


Recent Posts

© 2017 by Ian Christian Cotara

bottom of page