top of page

PAANO GAMITIN ANG FACEBOOK PROFILE MO TO PRODUCE MORE SALES AND ATTRACT MORE PROSPECTS ON YOUR ONLIN

  • Writer: Ian Christian Cotara
    Ian Christian Cotara
  • Oct 5, 2017
  • 6 min read

3 years ago ganito ang makikita mong laging laman ng Facebook profile ko...


Wala naman mali sa ganitong Marketing strategy pero may mali at hindi magandang implications itong nagagawa sa mga prospects mo na sasali sayo.


Nagiging pera-pera na lang kasi yung nagiging motivation nila at ginagamit na lang yung malaking halaga para ma-hype at lalong mahikayat yung mga tao.


May ripple effect din ito sa mga sasali sayo. Ganito din kasi yung gagawin nila kapag nagsimula na din silang gawin yung negosyo.


Ako during those times nakakaramdam na ako ng hiya dahil sa ginagawa ko. Yes kumikita naman ako at ganun din yung ginagawa ko pero yung mga napapasali ko hindi sila nagtatagal. Meron din kasing iba na kahit gusto na sumali ay hindi na lang sasali dahil nakikita nila na ganyan din yung gagawin nila kapag sumali sila.


Masakit mang tanggapin pero yung ganitong klaseng strategy ay napakaUNETHICAL at hindi pang-long term. Mga poser at amateur lang ang gumagawa nito. Professionals never take a picture of themselves na may hawak na malaking halagang pera. Yes! pinapakita din nila yung mga results nila pero sa ibang paraan at ibang way.


FACEBOOK PROFILE...


Ito yung magiging parang resume mo o yung magiging salamin mo kapag ginagawa mo yung negosyo mo online o sa facebook. Kaya napaka-importante na gagawin mo itong kaaya-aya o buhay. (matututunan mo ito mamaya)


Ito yung magiging topic ng article na ‘to... HOW TO USE YOUR FACEBOOK PROFILE TO PRODUCE MORE SALES AND ATTRACT MORE PROSPECTS ON YOUR BUSINESS.


Merong 5 steps ka na kailangan gawin para magawa mo ito...


STEP 1: CLEAN YOUR FACEBOOK PROFILE


Nang malaman ko ang step na ‘to ang ginawa ko ay inalis ko yung mga post ko na may mga hawak na pera. Yung mga post na mapang-hype. Yung mga post na hindi maganda sa mata ko. Ginawa kong presentable ang mga post ko sa Profile ko. Nag-sishare ako ng value sa profile. Mga post na sa tingin ko ay makakatulong sa target market ko. Paraan ito para maattract ko sila sa akin and to build trust and confidence. Inalis at tinigil ko yung mga sales and pushy pitches posts ko.


Ginawa ko ding yung mukha ko ang nakikita sa profile picture ko para ipakita sa kanila yung totoong itsura ko. Importante to para makita nila na totoong tao yung may ari ng profile. Nagpopost din ako ng mga pictures ko, yung lifestyle, selfies at iba pang mga bagay na makakapagpatunay na buhay ako at buhay at totoong tao yung may-ari ng profile.


STEP 2: ADD TARGETED PROSPECTS


Remember yung purpose natin ay pataasin yung possibility na tumaas ang sales mo using your facebook profile.Yung next step mo ay mag-add ng facebook friends. Hindi lang basta-basta mga facebook friends. Kailangan ngayon pa lang ay matuto ka nang sumala o salain yung mga prospects mo.Hanap ka lang ng mga tao na sa tingin mo ay magiging interesado sa offer mo. May mga paraan para gawin mo ito ng manu-mano sa facebook. Ito yung ilan sa ginagawa ko...

  1. Use the search box of your Facebook profile


Gamit itong facebook search box pwede kang makahanap ng mga targeted na tao na possibleng may interest sa product o opportunity na pino-promote mo.


Itype mo lang sa search box yung keyword na gusto mo at piliin mo yung “people” gaya ng sample picture sa ibaba.

Tapos tingnan mo yung profile ng mga tao na lumabas. Base sa mga pinopost nila, interest at iba pa makikita mo kung sila ba yung tao na hinahanap mo o hindi.


Tapos mag-friend request ka sa kanila. Dahan-dahan lang sa pag-add dahil baka ma-ban ka ni Facebook. Add 10-15 people everyday. 5 in the morning, 5 in the afternoon at 5 sa gabi.


2. Use your Facebook Groups


I’m sure alam mo kung ano ang Facebook Groups. Sali ka sa mga Facebook groups na may kinalaman sa target market mo. Napakarami nyan sa facebook. Gamitin mo ulit yung Facebook search box pero this time piliin mo naman yung “Groups”.

Doon sa mga groups na sinalihan mo piliin mo yung mga tao na very active mag-post. Sila yung i-add mo dahil sila yung mga tao na possibleng may desire sa product or opportunity mo.



STEP 3: PROVIDE VALUE


Ito yung wala sa karamihang marketers na nakikita ko sa facebook. Lahat kasi ng post nila ay tungkol sa opportunity nila. Puro yung Join now, Buy now at iba pang mga pushy at pitchy posts.


Kung gusto mong wag lumayo sayo yung mga prospects mo wag ka maging pushy. Offer them a FREE gift, FREE value na pwede nila mapakinabangan at magamit. Wag mo sila ooferan agad ng opportunity mo, may tamang time para dyan.


Tandaan mo na ayaw ng tao na feeling nila na binibentahan sila lalo pa kung ang opportunity na i-ooffer mo ay commission based o referral commission. Ang nasa isip kasi nila ay kikita ka kapag bumili sila o sumali sila.


Ang pinakauna mong kailangan gawin ay to provide value for them. Wag na wag mo din silang i-PM tungkol sa opportunity mo. Most of my opportunity sharer na friends ay ganun ang ginagawa. Bigla na lang sila mag-PM sakin ng opportunity nila kahit hindi naman ako humingi ng details. Unethical practice yun at nakakabadtrip yun sa iba. Hayaan mong sila yung magtanong at mag-approach sayo.


Magagawa mo yun kung nagpoprovide ka muna ng value that lead them to your opportunity. Dapat may matutunan muna sila sayo bago mo sila i-lead sa opportunity mo. This way may mabi-build ka nang trust sa prospects mo.


Kung gusto mo namang maging viral yung post mo at paulit-ulit sila na maipakita sa Facebook friends mo, make your prospects comment on your post.


Ganyan kasi nagwo-work ang algorithm ni facebook. Kung alin yung post na maraming nag-i-engage yun yung palaging ginagawa nyang bida sa newsfeed. I’m sure may nakikita kang ganito na laging lumilitaw sa newsfeed mo na post at maraming comment.


So make your prospects comment on your post by asking them to leave a comment like “HOW” at iba pa kung gusto nila ng details, then that’s the time na pwede mo na sila offeran at i-PM.


STEP 4: LIFESTYLE MARKETING


Dati nahihiya talaga ako na ipakita yung mukha ko sa facebook. Nahihiya ako magselfie. Mahiyain kasi ako e..hehe


Pero nung matutunan ko ang Strategy na ‘to tinanggal ko yung hiya ko, ngayon most of my posts everyday makikita mo na mukha ko na yung nasa post, walang hiya na..LOL


Ang ibig sabihin ng lifestyle marketing ay ipakita mo yung way of life mo.


Ito yung paraan para maipakita mo na buhay ang may ari ng profile mo. Facebook is a social media platform so you need to become social. Mag-share ka ng experiences mo na makaka-inspire sa target market mo. Share your life, be an inspiration.


Every result mo ipakita mo in a form of a story na makakainspire sa kanila. Wag yung Buy now, Join now blah blah blah... People loves reading stories on facebook so mag-story tell ka followed by your Call-to-Action or kung ano yung gusto mo ipagawa sa kanila after nila mabasa post mo.Magpicture ka kung asan ka, kung ano ginagawa mo.


Let your prospects know you by means of your Facebook profile. Make them comfortable having you as their friend.


STEP 5: TAKE CONSISTENT MASSIVE ACTION


Lahat ng mga natutunan mo sa article na ito ay hindi makakapagbigay ng resulta sayo kung hindi ka aaksyon. Take note na this kind of strategies ay hindi pang madalian pero pang-long term. If you focus your attention on giving value to other people first, the money will follow.


Trust me I’ve seen many of people lalo na sa community namin na ganyan ang ginagawa. They provide massive value and yet they earn massive amount of money. May mga every month 6 Figure earner at may mga Million income earner na din in a span of short months.


Yan din yung pinakatumatak sa akin na natutunan ko mula nang mapabilang ako sa community namin. Napakalaki ng naging pagbabago kung paano ko gawin ang online business ko kumpara noon.


Ngayon shinare ko na sayo yung ilan sa natutunan ko bilang part ng community na ‘to dahil alam ko yung pakiramdam ng nahihirapan sa online business. so take massive action kaibigan and begin to implement what you have learned sa article na ‘to.


I want to hear your success story. I want to see you on top.


May mga natutunan ka ba sa article na ‘to? Give me a favor by commenting below. You can also like and share this article para matuto din yung iba.


PS-If ever na gusto mo matutunan ang mga ito:


-4 steps you must follow to become successful in your business

-How to easily close sales Online

-What are the best products to sell online

-How to become a 6 Figure Income Earner

-How to 10x your business using a Guru strategy

-8 signs that you will become a Millionaire

-How to create a Clear Mission and Vision statement

-Secrets of the Internet Millionaires

-How to Automate your Facebook Marketing

-6 steps to Think and Grow Rich

-How to climb the Pyramid of success

-How to build a Network Marketing Team

-The Network Marketing Expose

-15 Ways how to always stay motivated

-at marami pang iba...


Lahat ng yan pwede mong maaccess ng "LIBRE".



Parang Facebook din yang site na yan. Pwede kang mag-add ng mga members sa site na yan. Pwede ka magtanong at makipagconnect sa mga successful Entrepreneurs doon para mas matuto ka pa ng ibang knowledge and skills.



Keep on investing on yourself and skills, yan lang yung kailangan mo para magkaresulta kaibigan. May you reach your goals.


PPS-Pwede mo bang i-comment sa ibaba kung ano yung pinakanagustuhan mo sa nabasa mong article na ‘to? Pwede mo din syang i-share at pusuan kung gusto mo :)


Your friend,


Ian Christian Cotara

Online Staff Preneur




 
 
 

Comments


Recent Posts

© 2017 by Ian Christian Cotara

bottom of page